Monday, November 17, 2014

Sarita



Sa isang bar sa Malate, duon madalas tumambay ang mga kalalakihang nagbabakasakaling makasama siya-ang babaeng madalas kinamumuhian ng mga kababaihan subalit patuloy na pinananabikan ng mga kalalakihan at ng mga feeling lalaki.

Sarita Perez- maganda, matalino, anak-mayaman, palaban, at higit sa lahat…walang sinasanto…sa kama.
Sa gitna ng isang masikip na lugar na napaliligiran ng usok at bote, ng mga katawang walang sawang umiindayog sa tugtog ng malakas na musika, di maikakailang namumukod tangi ang kanyang alindog.
Sarita Perez- ang babaeng inaasam ng lahat.
Tok. Tok. Tok.
Sa tunog pa lamang ng kanyang sapatos, tiyak ng mababaling sa kanya ang atensyon ng karamihan. Binata man o Taken na, Brusko, Nerd, Mayaman, Purita, Sporty, DOM, Tambay, Tibo, Bisexual- kahit anong klase ng lalaki o sinumang may pusong panlalaki, pinapantasyang makaniig ang isang Sarita Perez.
Sa bawat pagpihit ng kanyang bewang sa saliw ng makabagong mga tugtugin, sa bawat galaw ng kanyang leeg, sa bawat kampay ng kanyang mga kamay tiyak na ang katumbas nito ay ang pagkauhaw ng lahat sa kanyang halinghing.
“The usual please,” sambit niya.
“One Bloody Mary, coming.”- agad na wika ng bartender.
Bloody Mary- yan ang paboritong inumin ni Sarita, gustong-gusto niya kasi ang tunog ng pangalan nito.
“Let’s call it Bloody Sarita, please?” mabilis na tugon ni Sarita sabay kagat sa kanyang mga labi na tila nang-aakit.
Di na nakapagsalita ang lalaki, tila robot itong di magkaumayaw sa paghahanda ng inumin para sa kanyang pantasya.
Maya-maya pa, may lumapit ng isang lalaki kay Sarita. Si Jacob, ang star player sa kalaban nilang unibersidad. Sinamantala nito ang pagkakataon, siksikan na kasi sa bar, bawat tao, bawat grupo, tila may sarili ng mundo. Unti-unting inilapit ni Jacob ang kanyang braso kay Sarita, hanggang sa..
“Hey Ms Perez! Are you enjoying your drink?”
“Umm, what?”
“I said, are you enjoying your drink?”
“Uh, yes, kinda, you?”
“same here, umm, can I join you?”
“What?”
Lalong lumakas ang tugtog, halos di na sila magkarinigan.
Lumapit pa si Sarita kay Jacob.
Lumapit pa si Jacob kay Sarita.
Di na nakapagsalita pa si Jacob,isang munting galaw na lamang ay maglalapat na ang kanilang mga labi, unti-unti binalot niya ng kadiliman ang kanyang mundo upang namnamin ang unang halik sa kanyang pantasya.
Subalit kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata, tila isang bulang naglaho si Sarita.
Dismayado si Jacob, halos lahat ng babae sa bar na iyon, gustong makuha ang kanyang atensyon, bakit nga naman sa isang Sarita pa siya nabigo-ang babaeng wala raw sinasanto pagdating sa kama.
…………………
Habang nagpapakalunod si Jacob sa alak, si Sarita naman ay bigay na bigay sa pag-indayog sa may kabilang dulo ng bar.
Maya-maya pa, lumapit na sa kanya si Nathan- ang ideal guy ng karamihang babae. Tall, dark and Handsome, yan si Nathan. Running for magna cum laude pero hindi weirdo! Kabilang siya sa iilang miyembro ng mga estudyanteng kahit di mag-aral ay likas na yatang sinalo lahat ng talinong pinaulan ng langit.
Subalit tulad ni Jacob, nagpakalango na lang rin si Nathan sa alak.
……………….
Palalim na nang palalim ang gabi pero hindi pa rin nababawasan ng tao sa bar na iyon.
Maya-maya pa, dumating na ang isa pang grupong suki na rin ng bar. Kabilang duon ang napakabatang milyonaryo- si Louie Chong. Ang kaisa-isang tagapagmana at eredero ng kanyang angkan. Lahat ng gustuhin niya, bahay, kotse, lupa, at kahit pa babae kayang-kaya niyang makuha.
Lahat-lahat…
Maliban kay Sarita Perez
……………….
Palalim na ng palalim ang gabi…
Sino kaya ang maswerteng lalaking mapipili ni Sarita sa gabing iyon?
Lahat kasi ng mga kalalakihang pantasya ng kababaihan nuong gabing yun, sa kanya nakatingin.
Si Jacob na star-player, Si Nathan na ideal guy at maging si Louie Chong na dream guy ng lahat.
Hindi lang sila, meron pang doktor, modelo, businessman, aktor, direktor at kung sino-sino pang mga lalaking may magagandang background ang kanyang tinanggihan. Lahat sila, hanggang pantasya lang kay Sarita.
Hanggang dun lang.
…………………
Pauwi na ang lahat.
Ilang minuto na lamang at magsasara na ang bar.
Subalit nabigo ang lahat!
Ang mga kababaihang nag-aabang ng panibagong tsismis patungkol kay Sarita -walang nakuhang scoop.
Ang mga kalalakihang naghahangad na makaniig ang kanilang pantasya-
Umuwing nanlalambot.
…………………
Ramdam na ramdam ni Sarita ang kanyang pagkapanalo. Sa kanya umiikot ang mundo.
…………….
Unti-unti, tumahimik na ang buong lugar.
Isang kilometro mula sa bar, itinigil ni Sarita ang minamanehong kotse sa may isang lugawan.
Doon, pinili niyang makisalo sa lamesa ni  Tonyo.
Wala pang isang minuto, niyaya na ni Saritang sumakay si Tonyo sa kanyang magarang kotse. Hindi na nagawa pang tumanggi ni Tonyo.
Palalampasin pa ba naman niya ang pagkakataong ito? Makakatanggi ba siya sa isang  napakagandang dilag tulad ni Sarita?
Hinding-hindi.
……………….
Nanlaki ang mga mata ni Tonyo, hindi niya inakalang makakapasok din siya sa isang mamahaling hotel. Sa Ika-20 palapag ang kinuhang kuwarto ni Sarita. Lalo pang nanlaki ang mga mata ni Tonyo nang makapasok sa silid.
May malaking kama, refrigerator, aircon at tv sa loob nito, laking gulat din niya nang pagpihit niya sa kabilang dulo ay meron pang munting sala at kusina sa loob mismo nito.
“ Uuhhhh, teka lang, anong ginagawa natin dito? Hoy miss, baka akala mo….” sambit ni Tonyo.
Unti-unting ibinaba na ni Sarita ang kanyang bra.
Natulala na lamang si Tonyo.
Aninag na aninag na niya ang malulusog na dibdib ni Sarita.
……………….
Ilang saglit pa ay pinuno na ng libog ang apat na sulok ng magarang silid.
…………………..
Sa pagkakataong iyon, natamo ni Sarita ang kanyang minimithing kalayaan.
Sa bawat pagpasok ni Tonyo sa kanyang katawan, naramdaman niya ang kapangyarihang nagkukubli sa kanyang buong pagkababae.
Sa wakas, hindi na matatalo ng kanyang puso ang kanyang utak.
Makuha man ni Tonyo ang kanyang pagkababae, alam niyang ligtas ang kanyang puso.
Sapagkat para sa isang Sarita Perez- ang unang sumigaw ng inlab- TALO.
Sa kanyang pakikipaglaro sa apoy, namaster na ni Sarita ang larangan ng pakikipagtalik. Libog at libog lang ang katapat ng lahat. Walang puso. Lahat, tawag lamang ng laman.
……………………
Tuwing Martes ng gabi, matatagpuan si Sarita sa bar na iyon sa Malate. Pababayaan niyang habulin siya ng mga lalaki at kainggitan ng mga babae- pero, paniguradong  aalis din siyang mag-isa.
Ititigil na lamang niya ang minamanehong sasakyan saan man niya maisipan.
Doon, maaaring makakuha siya ng mayaman, matalino, guwapo, mga lalaking kasing estado niya, ngunit minsan naman ay tulad ng isang Tonyo lamang.
Wala siyang pakialam.
Isa lang ang hanap niya.
Init ng katawan.
……………….
Sa bawat gabing pakikipagniig. Duon nararamdaman ni Sarita na siya lamang ang makapangyarihan.
Na siya lamang ang tangi nilang kaligayahan sa oras na iyon.
Nakapagbibigay na siya ng aliw, natuturuan pa niya ang kanyang sariling maging isang bato.
……………………
Sa wakas…
Malaya siyang gawin ang anumang naisin niya.
Nasa kanya na ang alas…
Ligtas pa ang kanyang puso.
……………………….
Marami ang maaaring tumuligsa sa isang tulad niya…
Subalit walang sinuman ang may karapatang humusga…
Sapagkat walang sinuman ang siyang nakapasok sa puso ng isang Sarita Perez.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...