Sunday, December 14, 2014

Apartment - Part 2: Seryosong Usapan

Ngumiti naman ang dalaga nang siya'y batiin ko. Napatingin sa akin si
Estong at di nya akalain na may nakilala na akong babae at hindi lang
simpleng babae, kundi may dating na babae. Umakyat na kami sa aming
building at si Ice naman ay may binili pa sa tindahang pinagbilhan din
namin ng alak.

"nice one Bogs...that's my boy hehe" biro pa ni Estong habang paakyat
kami sa hagdanan ng building.

Tinanong niya san ko daw nakilala si Clariza. Sa isip ko'y nagsabing
"busy ka kasi sa pagkantot kay Mika". Napangiti lamang ako. Di na rin
ako kinulit ng aking kaibigan dahil sa "new rule" namin na bawal na mag
share ng babae dahil seryoso na daw siya sa GF nya. Pero sa tingin ko'y
kursunada rin nya si Ice, hamak naman kasing mas maganda ito kaysa sa GF
nya.

"kumusta naman ang progress ng pag aaply mo pre?" tanong sa akin ni Estong.

"e puro sabi tatawag na lang daw" sagot ko naman.

"naku e wag mo na hintayin pag ganun, hanap na agad ng iba" dugtong
naman niyang muli.

Naubos na namin ang isang litrong redhorse. Puro kwentuhan at payo ang
sinasabi sa akin ni Estong dahil na rin na siya ang nauna na dito sa
maynila.

"pre sorry pala kanina, alam kong tigang kana pero wala ako magawa
tigang din ako, yamo hanapan din kita hehe" wika ni Estong.

"ayos lang yun pre, lahat dumadaan sa ganito" sagot ko naman.

"seryoso na ba talaga pre? masarap ba pre hahaha" biro ko na medyo
nag-alangan din ako dahil baka magalit siya sa tanong ko.

"hahaha oo seryoso at oo masarap" sagot naman niya.

Ikinwento ni Estong kung paano sila nagkakilala. Sa bar daw sa
tiendesitas. Naisip kong may wild side pala itong si Mika, di kasi
halata na ganun siya dahil sa pananamit ay tila mahinhing dalaga. Lalo
na ang "image" noon ng isang call center agent ay "easy to get". May
narinig nga ako sa isang tanyag na radio dj na "sex farm" daw ang call
centers.

Madaming haka-haka, madaming gustong malaman. Magmamasid na lamang ako
sabi ko sa aking sarili. Habang inuubos namin ang isa pang litro ng beer
ay ginanahang magshare ng istorya ang aking kaibigan.
Naka-one-night-stand daw niya si Mika dati pero naging seryoso dahil sa
madalas na texting nila.

Nang malaman ko na ganun pala ang background ni Mika ay muli akong
tinigasan, siguro ay dahil sa alak o dahil tigang talaga ako. "pre mauna
na ako matulog, tamado na rin ako wala kasi tayo pulutan!" paalam sa
akin ni Estong. May pasok pa rin daw kasi siya kahit sabado pero half
day lang.

"bili na muna ako ng yosi sa baba" paalam ko naman.

Paglabas ko ng pintuan ay lumingon ako kaagad sa dulo ng hallway kung
saan naroon ang balkonahe. Inaasahan ko kasing baka naroon ang dalagang
una kong nakilala dito sa maynila. Walang tao, patay ang ilaw.
Pagtalikod ko pababa ng hagdanan ay may tumawag sa akin.


"pssst! kuya!" wika ng tumatawag sa akin. Napalingon naman ako pero wala
akong makita. Napansin ko na may usok na pumasok galing sa madilim na
balkonahe sa dulo ng hallway. Nagalak ako sa naramdaman ko. Sino pa ba
ang tatawag sa akin at sino pa ba ang makakakilala sa akin na babae dito
sa building.

"nasaan ka?" paghahanap ko sa tumatawag sa akin.

"dito kuya san ka pupunta?" sagot ni Clariza, binuksan niya ang ilaw
saglit at pinatay din.

"hi Ice! ano ginagawa mo dyan?" tanong ko naman.

Sa gitna ng kadiliman ay unti-unti ko na naaninag si Ice. Nagyoyosi rin
ang dalaga at napansin kong naka pakpak shorts siya at maluwag na
t-shirt. Nagsimulang kumislot muli ang aking alaga this time.

"eto o have mine" alok niya sa akin ng yosi niya at inabot ko ang kaha.
Pareho kami ng brand ng dalaga, marlboro lights.

"wag kana bumaba sarado na rin yung tindahan mag 11pm na oh, kuha ka
nalang dito" dugtong pa niya.

Alam kong gusto ng kausap ni Ice that night. Nagkwentuhan kami at
naitanong ko din bakit di nya kasama yung pinsan niya na nabanggit niya
dati. "a si Diane? umuwi sa Pampanga, every weekend umuuwi yun
nagpapadilig sa BF nya dun hihi" biro ng dalaga. Medyo pilya din pala si
Ice, naisip ko baka pwede nang biglain tutal di na ito first time naming
magkita.

"e pano naman ikaw? tuyo na? hahaha" biro ko din sa kanya.

Napakurot si Ice sa tagiliran ko. Hindi raw siya madalas umuwi dahil
wala naman siya uuwian doon. Hiwalay ang magulang niya at sa lola lang
siya lumaki. Mula high school ay working student na siya hanggang
matapos ng kolehiyo. May awa rin akong nadama para sa kanya dahil sa mga
kwento niya. Ayoko naman ng masyadong sentimental na usapan kaya't
binago ko agad ito.

"e yung BF mo nasaan?" tanong ko ulit.

"BF?? uhm, di ko masabi na BF e, bihira kami magkita, magkaiba ang
schedule namin, MU lang siguro, walang strings attached..." paliwanag niya.

"saka ayaw kong seryosohin, madami pa akong pangarap kuya.." dugtong niya.

"maka kuya ka naman, 21 pa lang po ako ate" sagot ko naman.

"hihihi ganun ba? ate mo na pala ako hihihi...i'm turning 23 na this
year e" wika niya.

"so ate na ang tawag ko sayo?" biro ko naman.

"no, Ice is fine" sagot niya.

Naka dalawang stick din ako bago nagpaalam sa isa't isa. Sabay kaming
pumasok at pagdating sa may ilaw na hallway ay dito ko muling nasilayan
ng maliwanag ang katawan ni Clariza. Bilugan ang mga hita niya at mas
maputi kaysa sa binti niya. Nauuna siyang maglakad, naispatan ko rin ang
likuran niya at dahil sa manipis na puting maluwag na t-shirt ay
halatang wala itong suot na bra. Sayang at nasa likuran nya ako. Nauna
ang pintuan nila mula sa dulo ng hallway, dinukot ni Ice ang kanyang
susi at binuksan ang pintuan ng unit nila. Ako naman ay huminto muna
saglit at hinintay kong makapasok ang dalaga.

<https://www.blogger.com/blogger.g?blogID=3166656714483182287><https://www.blogger.com/blogger.g?blogID=3166656714483182287>"so
Bogs, haha Bogs nalang ha mas matanda ako e hihi, goodnight and salamat
sa time, sayo na tong natirang yosi pala oh meron pa naman ako dito"
paalam ni Ice.

Hindi ako nakasagot kaagad, nakatitig kasi ako sa mga dede ni Ice, pilit
kong inaaninag ang mga nipples niya. "ha e, uhm, sure ate, goodnight
din!" sagot ko nang ma-realize ko na nakataas na ang isang kilay niya.

"ikaw ha, pilyo kang bata ka! matulog kana nga" masungit na sagot ni Ice.

Nakangiti lang akong umalis at tumungo sa aming unit. Bago ako pumasok
ay tinawag niya akong muli. "psst Bogs! yung lighter ko nasa loob ng
kaha" wika ni Ice na nakasilip na lang sa pintuan.

Bumalik ako upang iabot ang lighter at napansin kong nagtatago siya
likod ng pintuan at ulo lamang niya ang nakalabas.

"bakit nakatago ka dyan?" pagtataka ko.

"he! sige na matulog na" sagot naman niya.

Patay ang ilaw sa loob ng unit niya pero ang liwanag sa hallway ang
dumapo sa mga balat niya. Maputi talaga ang kutis ni Ice mula leeg at
braso na tangi kong nakita. Pakipot pala itong magandang kapitbahay ko,
mahihirapan ako dito, pero ayos lang sabi ko sa sarili, "challenge
accepted".


Itutuloy...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...