Saturday, January 10, 2015

Bahay Ni Kuya : Chapter 4 - Makeover (Part 1)

Chapter 4 - Makeover (Part 1)

“Alam mo pare what you need in a make over” sabi ni Tonio sa akin habang
nagkakape kami sa lounge. “Bakit may problema pa sa porma ko pare?
Ganito naman dapat ang suot ng executive diba?” sabi ko sa kanya. “Pare
twety four ka lang at when people look at you sa ganyan na formal na
suot you look older. Araw araw ka naka slacks, tie and coat, nakalimutan
mo na ata magsuot ng casual attire e” sabi nya. “Oo nga pare eh, alam mo
the last time I wore maong pants was the day before graduation. After
that work agad dito, lahat ng damit ko sa cabinet panay polo, tie,
slacks, tapos pambahay na yung iba” sabi ko sa kanya at tumawa sya.




“Well pare you should wear clothes na pang yuppie, alam mo may tauhan ka
dito na magaling sa fashion sense, si Gege ka department ko” sabi nya.
“Sus babae yon e, mahihiya lang ako don” sabi ko sa kanya. “Bading sya
pare, Gerald Genio alysas Gege pero magaling sya pare ha” sabi nya at
tumawa ako. “Bakla ang magdadamit sa akin? Ano papasok ako dito naka
butterfly costume? O kaya alitaptap hairdo with matching poise and gay
mannerisms?” sagot ko at tawa kami ng tawa. “Pare sige na try mo lang,
papuntahin ko sa opis mo mamaya” sabi nya. “Ulol, alam mo naman na medyo
aloof ako sa bading, sumama ka” sabi ko at tawa sya ng tawa.


One hour later kasama ni Tonio si Gege na pumasok sa opisina ko. “Gege,
I heard from Tonio you are good, so I need a total make over in terms of
appearance” sabi ko agad at tinignan ako ng bading from head to foot.
“Okay naman suot mo sir, ano ba gusto mo mangyari sa itsura mo?” tanong
nya. “Gusto ko maging sirena” biro ko at nagsimangot ang bakla pero si
Tonio tawa ng tawa. “Just kidding Gege, I want to look my age, 24, sabi
ni Tonio mukha daw ako matanda dito sa suot ko” sabi ko sa kanya. “I
see, well e di magsuot ka ng uso, jeans, tucked in na polo, tie, tapos
coat, then sneakers o diba?” sabi nya at di ko sya maimagine. “Di ko
magets itsura ko pag ganon” sabi ko.


“Hay naku sir, talagang di mo maimagine kailangan natin magpunta sa mall
para matry mo talaga. May shop ang friend ko doon tayo para pwede tayo
mag matching ng babagay sa iyo” sabi nya. “Ngayon na?” tanong ko. “Pwede
naman in ten years sir” bawi nya at tinignan ko ang computer, “May
bakante ata ang janitorial baka gusto mo ilipat kita doon?” biro ko at
tumawa ang bakla. “Si sir talaga, nagbibiro din ako” sabi nya.


Nagpunta kami sa shop ng kaibigan nya at madami ako sinubukan na damit.
After thirty minutes nagustuhan ko ang nakita ko sa salamin. “Wow, ok to
ah” sabi ko at tumawa ang mga bading. “Saan kweba ka ba nagtago?” tanong
ni Gege at napangiti ako. “Pero executive ako tapos ganito suot ko? I
mean naka jeans ako tapos sneakers, pero upper part polo and tie then
coat? It looks good pero baka naman di na ako magmukhang executive
nito?” sabi ko.


“Hellow! Ganyan ang uso! Sabi mo something that suits your age o ayan
na. You can also lose the tie pero you have to open the bottons of your
shirt. Madami combination ang pwede sa jeans. Pero sir suggest ko din
you have to change your haircut, dapat naman medyo bagets ka, semikalbo
tapos magpalagay ka ng hikaw sa tenga” sabi nya at tawa na ako ng tawa.
“Sobra naman na ata yon” sabi ko sa kanya. “Try mo lang, ang
nagpapapangit lang sa iyo ay yang buhok mo, masyado dry parang iskoba ng
banyo, maganda naman shape ng head mo so try mo lang” sabi nya. “Sige
antayin niyo ako dito” sabi ko at dumireto ako sa barbero at
nagpasemikalbo. Pagbalik ko nakangiti sila sa akin.


“Ayan e di nadagdagan ka ng pogi points, plus two” sabi nya at parang
nasiyahan ako sa sinabi nya. “Talaga? Ilang points ko in total?” tanong
ko. “Two” sagot nya at natawa ako. “E si Tonio ilan?” tanong ko at
tumili sila, “One hundred” sabi nya at nanghinayang ako bigla.
“Paakyatin mo naman ang pogi points ko sa kahit ten man lang” sabi ko at
tawa sila ng tawa. “Hay naku sir alam mo di lahat nakukuha sa
kagwapuhan, kailangan mo lang ay tamang pagdala sa sarili mo at sa suot
mo, at higit sa lahat ugali” sabi nya.


“Ows? Di importante ang gwapo?” tanong ko. “Oh yes, aanhin mo ang gwapo
kung madungis? O kaya pangit ugali? So kailangan mo idaan sa charm yan,
kaming mga babae madali maakit sa lalakeng charming” sabi nya. “Kayong
babae? As in kayo na feeling babae o kasama mga tunay na babae?” tanong
ko at tinaasan nila ako ng kilay. “Lahat kaming babae!” sigaw nila at
tawa ako ng tawa. “Okay, so teach me” sabi ko at ngumiti sila. “Walang
libre sa mundo” sabi ni Gege. “Magbabayad ako may pera ako” sabi ko.
“Hindi ko kailangan ng pera” sabi nya. “E ano?” tanong ko. “One date
with Tonio” sabi nya at napahalakhak ako bigla. “Sige deal!” sabi ko sa
kanya. “Talaga? As if naman papayag yon” sabi ni Gege. “Ako pa, basta
deal na yon ako bahala don, so teach me, make me charming…pero oy wag mo
ako gagawing bakla!” sabi ko at tumawa sya. “Hay sir, in order to be
charming you have to be in touch with your feminine side, konti lang! As
if naman magician ako na isang iglap mahilig ka narin sa ****!” sigaw
nya at tawa kami ng tawa ng kaibigan nya. “Taasan mo pa ako ng boses
Gege talagang ililipat kita sa janitorial” biro ko at nilambing na nya
ako bigla.


Pagsapit ng hapon ay madami ako natutunan, kailangan ko na umalis para
sunduin si Miyu. “Sir isuot mo na yan wag ka na magbibihis to your old
attire” sabi ni Gege. “Excuse me sir ano po yung kukunin niyo para
makwenta ko na” sabi ng kaibigan nya. “Lahat” sabi ko at nanlaki ang
mata nya. “Lahat?” tanong nya. “Oo lahat, may mga crew ka ba na pwede
ako samahan ilagay sa kotse?” tanong ko at nagkandarapa ang bading.
“Gege, magkano sweldo mo sa company?” tanong ko. “Twenty thousand” sabi
nya. “Gawin natin thirty thousand” sabi ko at napayakap sa akin yung
bading. “Pero favor, every night padalhan mo ako email, kung ano isusuot
ko the next day” sabi ko. “Ay sure, no problem sir” sagot nya. “At kung
may bagong fashion sabihin mo din para in ako para naman madagdagan ang
pogi points ko” sabi ko sa kanya at tumawa sya. “Actually sir, two, plus
yung porma mo so that is plus ten, then may tsikot ka plus ten ulit then
madatung ka plus ten, ewan ko ilang points sa charm pero at least may
thirty plus ka na” sabi nya at tawa ako ng tawa.


Paglabas namin ng shop napansin ko may mga napapatingin sa akin na mga
babae. “Gege, sigurado ka di katawa tawa ang suot ko, bakit nila ako
tinitignan?” bulong ko sa kanya. “Kasi sir attractive ka na” sabi nya at
napangiti ako. “Really?” tanong ko. “Wag masyado ang ngiti, ang lakad
dapat may confidence, wag maging snob, kung nginitian ka smile back a
little lang parang teaser” bulong nya. Natatawa na ako sa loob loob ko
at mukhang epektib ang sinasabi nya. “Sir teka ang bantot ng perfume mo,
amoy matanda ka” sabi nya bigla. “Totoo ka?” tanong ko. “Yes, pag malayo
attractive, pag lapit sa iyo destructive ka na, parang pabango ng sixty
years old yan, ano ba yan? Maattract mo lang ang mga matron siguro pag
ganyan, penge four thousand at bibilhan kita ng pabango” sabi nya. Agad
ako naglabas ng pera at dumiretso na sa kotse ko, thirty minutes
dumating si Gege at inabot ang pabango, “Gege salamat ha” sabi ko. “Late
ka na, susunduin mo pa anak mo” sabi nya at pagtingin ko sa orasan ay
thirty minutes late na nga ako.


Pagdating ko sa school ni Miyu agad ako pumasok sa loob, buti nalang
nandon pa sya at may kausap syang teacher. Nilapitan ko sila at agad nya
ako nakita, tulala si Miyu at nakatitig lang sila sa akin. “Sorry I am
late” sabi ko at nginitian ako ng teacher nya. Ang ganda ng teacher nya,
kumikinang pa ang braces nya. “Kuya…sinasabi ko lang kay teacher Mau na
executive ka…bakit ganyan ang suot mo?” tanong ng mabagal ni Miyu.
“Pangit ba?” tanong ko at nginitian ako ni Miyu at biglang inakbayan ang
kamay ko, “Teacher di ko pala guardian ito, boyfriend ko to” sabi ni
Miyu at napatawa ang teacher nya. “Jeffrey Mendez, Mayumi’s guardian”
sabi ko sabay abot ng kamay sa teacher nya. “Ah…Maureen Delapaz…I’m her
homeroom adviser” sabi nya sa akin at nagngitian kami. “Late ka treat mo
ako” sabi ni Miyu, “Okay, miss Delapaz would you like to join us?”
tanong ko at ngumiti lang ang teacher niya at namula ang mga pisngi,
“Ah…next time…I have paper work to finish, nice meeting you” sabi nya at
bigla sya umalis.


Pagpasok sa kotse napansin ko tingin ng tingin sa akin si Miyu, “Bakit
may problema?” tanong ko. “Wala…naninibago ako sa itsura mo kuya” sabi
nya. “Oo kasi nawala yung buhok ko” sabi ko. “Buhok, suot at itsura….hmp
may pinopormahan ka! I hate you na!” sabi nya. “Wag mo na ako treat, uwi
na tayo!” hirit nya at natawa tuloy ako. “Wala naman ako pinopormahan,
gusto ko lang magbagong image e” sabi ko pero nakasimangot parin sya.


“E bakit kasi pag may pinopormahan ako? E lalake naman ako at normal
lang naman yon ah” sabi ko sa kanya. “Hindi pwede yon, kasi mawawala ang
atensyon mo sa akin. Tapos sya nalang lagi mo treat at di mo na ako
itreat tapos lagi mo na sya kasama, late ka na uuwi wala na kaming kuya
magbabantay sa amin sa house” drama nya at lalo ako natawa. “E pag ganon
pano naman love life ko?” tanong ko sa kanya at di nya ako sinagot at
nakasimangot parin sya. Tinabi ko ang kotse sa tapat ng isang sikat na
restaurant, at tinignan niya ako, “Sabi ko uwi na tayo e!” sabi nya.
“Okay, well masarap pa naman ang pagkain dyan” sabi ko. “Wala ako gana
kumain at wala naman okasyon para itreat mo ako sa mamahalin na lugar!”
sigaw nya.

“Okay, date sana natin to e pero sige uwi nalang tayo” sabi ko at
tinignan nya ako at ngumiti. “Date? Date natin?” tanong nya. “Oo ang
date naman di ibig sabihin magsyota o nagliligawan. Date as in quality
time, eating time, ikaw at ako pero wala ka pala gana kumain e” sabi ko
at inandar ko na ang kotse. “Meron na ako gana, nagbibiro lang naman
ako…pero naka school uniform ako kuya” sabi nya. “So? Dati nga pajama,
at least now uniform” sabi ko at bigla niya binuksan ang pinto at
lumabas sya. Sa wakas nasolusyonan ko nanaman ang isang problema,
mahirap kalabanin si Miyu pagkat asal bata talaga sya.


Nakauwi kami ni Miyu ng six ng bagi, pagpasok palang sa living room
natulala sina Celine, Tessa nang makita ako. Sa sobrang busog nahiga si
Miyu sa sofa kaya nagdiretso ako sa kusina pagkat may naamoy akong
masarap na pagkain. Nakita ko si Jaja nagluluto, naalala ko HRM pala
sya. “Hmmm smells good” sabi ko at nang lingunin niya ako nagulat sya
bigla. “Para ka naman nakakita ng multo” sabi ko at iniwanan ko na sya
at umakyat ako sa second floor. Nakita ko si Loreen sa living room doon
at tinitigan nya ako. Nakiupo ako sa kanya at tinignan ko ano ginagawa
nya sa laptop nya, “Loreen bakit di ka nakikihalubilo masyado sa iba?”
tanong ko at nakatingin lang sya sa akin. “Do I have to?” tanong nya.
“Ha? Syempre, napapansin ko lagi ka nag iisa. Bakit ayaw mo ba sila
kasama?” tanong ko. “Gusto naman pero mas madami ako nagagawa pag mag
isa ako, wala ako oras sa kid stuff or kalandian” sabi nya.


“Oh well ganyan ako dati, gusto ko mapag isa pero lonely. Madami nga
nagagawa pero kokonti lang kaibigan ko. Look at me now, iisa lang
natirang kaibigan ko at yun pa ang umahas sa girlfriend ko. Oh well kung
ganyan ka na talaga wala na tayo magagawa, pero alam mo you should try
to socialize more, the more friends the happy you will become” sabi ko
at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. “Kuya” sabi nya kaya nilingon
ko sya. “You look good” sabi nya at napangiti nalang ako sa kanya.


Madami din ako natutunan kay Gege, galit sa akin si Tonio pagkat
napilitan siyang makipagdate sa kanya. Pero all is well naman pagkatapos
non, naging in touch ako sa feminine side ko, para ako pumasok sa charm
school ng bading sa aking opisina araw araw. Nagdala pa si Gege ng
tomboy na kaibigan para turuan naman ako umintindi ng pangaingailangan
ng babae kahit hindi nila sinasabi. Kaya naman pala sabi ng iba mas
magaling magmahal ang tomboy kasi babae din sila. Nagkakaintindihan
sila, ngayon medyo nakukuha ko na pero syempre lalake parin ako kaya di
ko pa sanay ang mga mannerisms ng mga babae.


Ang pinakamahirap sa lahat ay yung timing, kailangan ko daw mag isip ng
mabuti bago ako umasta. Kailangan ko daw matuto kung kailan ako magiging
charming o hindi. Kailangan ko malaman sa tingin palang kung mali na
agad ang entrada ko at kung kailan tama ang ginagawa ko. Ang importante
daw ay ang feelings na galing sa loob ng dibdib at hindi yung feelings
sa ulo sa baba. At kung mapalagay man ang damdamin nila sa akin wag daw
ako mag take advantage.


Pag uwi namin ni Miyu ng bahay ay napansin namin na masyadong tahimik.
Pagakyat namin sa second floor nakita ko ang iba busy nag aaral,
kakaibang eksena ito ngayon ko lang sila nakitang ganito. “Preliminary
Exam niyo ano? Kaya pala ang babait niyo ngayon” biro ko sa kanila at di
man lang nila ako tinignan. Pagpasok ko sa kwarto ko nagulat ako nandon
si Loreen sa harapan ng pc ko, “Kuya pagamit pala, sorry, mabilis kasi
tong pc mo e. Don’t worry di ko sisirain” sabi nya kaya hinayaan ko lang
sya doon. Nagbihis ako sa banyo at paglabas ko nandon narin si Tessa,
“Kuya higa ka dali kailangan ko magpractice, sige na please” sabi nya
kaya agad ako nahiga at naupo sya sa tabi ko at may dalang chart. “Okuya
hawakan mo ito dapat lahat ng ituro ko tama, pakicheck nalang ha” sabi
nya at pinagtuturo niya ang ibat ibang parte ng katawan ko at okay naman
panay tama naman ang mga nasasabi nya.


“Kuya help!” sigaw ni Celine at nakitabi sya sa kama, “Kuya nalilito ako
dito sa accounting subject ko, commerce ka din so dapat alam mo to” sabi
nya. “Wag kang magulo nauna ako” sabi ni Tessa. “Teka teka time out,
pano kita tuturuan e ginagamit pa ako ni Tessa?” sabi ko at biglang
tumawa si Loreen ng mag isa. “Hala parang siraulo” sabi ni Celine.
“Sorry iba lang naisip ko” sagot ni Loreen at natawa narin si Tessa.
“Ikaw naman Loreen maaga pa para gamitin ko si kuya sa ganon no…mamaya
pag madilim na” landi ni Tessa at tawa ng tawa si Celine.

Pumsasok narin sa kwarto si Miyu at nahiga sa tabi ko, “Tessa si Miyu
nalang gamitin mo” sabi ko. “Di ako lesbian” sagot nya at natawa ako.
“Sira, sya test subject mo, para maturuan ko si Celine” nilinaw ko at
tawa kami ng tawa. Naupo kami niCeline sa study table, pumasok din sa
kwarto si Jaja at suot pa nya ang apron. “Wala man lang tumulong sa akin
magluto” drama nya kaya napatingin ako sa kanya. “Akala ko kasama mo si
Liezl” sabi ko. “Wala pa si Liezl, di sumabay sa amin pauwi” sagot nya.
“Exam din niya bukas diba?” tanong ko at nag oo sila lahat.


Nag init nanaman ulo ko, kamakailan lang e akala ko nagbago na sya pero
ngayon exams gumimik nanaman sya. “Kuya…” sabi ni Celine sabay turo sa
notebook nya. “Ay oo sorry, anyway lets continue” sabi ko. Pumunta sa
likod ko si Jaja at niyakap ako at pinatong ang ulo sa balikat ko,
napatigil ako at tumawa si Celine, “Jaja wag mo naman landiin sikuya
baka iba maituro nya sa akin” sabi niya. “Ay nagseselos ka ba Celina?
Alam mo ba may nakaraan kami ni kuya…di ba kuyaaaahhh” landi ni Jaja at
humalakhak si Celine. “Jaja, di ako makaconcentrate, pero in fairness
parang namamasahe ang likod ko ng malalambot na bagay” biro ko at bigla
nya ako binitawan at sinakal. “Manyak!” sigaw nya at natawa na ako.


“Ay kuya di management ka, magpapaturo din ako mamaya pala, may
management subject kami” sabi ni Jaja. “Okay, lahat ng magpapaturo pila
pila lang, pero after dinner na yung iba” sabi ko at tinuloy ko ang
pagturo kay Celine. After dinner tinuruan ko si Jaja, sabay tinulungan
ko ulit si Tessa, nakakapagod din pala maging teacher. Nang natapos kami
niJaja nakita ko nasa computer parin si Loreen, tinabihan ko sya at
napatingin sya sa akin. “Kanina ka pa dyan, di ba sumasakit mata mo?”
tanong ko sa kanya. “Sumasakit din pero kailangan tapusin to e, it comes
with the territory” sabi nya.


“Sorry ha, pagdating dyan wala ako maitulong sa iyo di tulad nila meron
ako konting alam” sabi ko at ngumiti lang sya. Pinagmasdan ko lang sya
habang nagtratrabaho sya sa computer, sya lang ang di ko nakakasalimuha
masyado, di ko nakabibiruan, wala na ako maalala kundi seryosong usapan.
“Kuya matutulog ka na ba?” tanong nya. “Hindi pa, aantayin ko pa si
Liezl baka magpapasundo nanaman, tigas ng ulo niya talaga exams tapos
gigimik. At wala na ako lugar sa kama ko” sabi ko at napalingon sya at
nakita nya sina Miyu, Jaja at Celine na natutulog na don.


“Gisingin ko sila?” tanong nya. “Hindi na, hayaan mo na sila” sabi ko.
“Saan ka matutulog? Dun ka nalang sa room nila” sabi nya. “Di pwede,
what if bigla dumating parents nila o matagpuan ako nakatulog don o baka
iba na isipin nila” sabi ko sa kanya. “Don’t worry about me sige lang
continue your work” sabi ko sa kanya at nagpunta ako sa baba para magyosi.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...