Wednesday, July 8, 2015

Init - Part 13

Patuloy ang paguusap namin Beth. Pilit nya nilalayo sa isipan ko si Des. Huwag daw akong makonsensya dahil tama ang ginawa ko. Balang araw daw, mapapagisip-isip ni Des na tama ako. Naging mas malapit kami sa isa't isa ni Beth. Madalas kaming lumabas at mamasyal. Masarap syang kakuwentuhan. Ilang linggo ang lumipas, naramdaman kong parang nahuhulog na ang loob ko kay Beth.

"Beth, pwede bang magtanong?" tanong ko sa kanya habang nasa kanila kami.

"Oo naman. Ano yun?" balik tanong ni Beth.

"Ahhh... Ehhh..." di ko matuloy-tuloy

"Iiiiii... ooooo.... uuuuu" natatawang sabat ni Beth

"Kasi... kasi... ahhh... Beth... di ko alam bakit di ko ito natanong dati. Pero... pero... eto... ahhh... may boyfriend ka ba?"

"Ha ha ha yun lang ang tanong mo tapos nagkakautal-utal ka na dyan?" pangaalaska ni Beth.

"Ikaw talaga..." sabi ko sabay kamot sa ulo

"Wala... wala akong boyfriend" sagot ni Beth

"Ahhh... ehhh... pwe... pwede bang... pwede bang mag-apply?" nahihiyang tanong ko sa kanya

"Apply? Anong apply?" nalilitong tanong ni Beth

"I mean... pwede ba kitang ligawan?" diretsang tanong ko na

"Seryoso ka ba Jun?"

"Oo... nain-lab ako sa yo Beth"

Natahimik kami.

"Jun..." may pagkaseryosong tugon ni Beth. "Wala na akong hahanapin pa sa lalaki. Nasa yo na ang lahat ng hinahanap ng karamihan ng mga babae. Pero..."

"Pero... pangit ako ganun?" sabat ko

"Ano ka ba? Di ka pangit no? Lambing ko lang sa yo yun pag tinatawag kitang pangit." sabi ni Beth

"So... ano yung pero?" tanong ko

"Jun... di ako bagay sa yo."

"Aray ko! Sakit mo namang magsalita Beth"

"Tangek! Di ko sinabing di ka bagay sa akin. Ako ang di bagay sa yo" pagpapaliwanag ni Beth

"Hello? Earth to Beth, earth to Beth... Baliw ka ba?" pagbibiro ko

"Seryoso Jun. Di ako karapatdapat na maging girlfriend mo. Sa panahon na nagkasama tayo, nakilala kita ng husto. Napakabait mo. Di lang sa akin kungdi rin sa ibang tao. Nakikita ko paano ka makihalubilo sa iba. Wala akong makitang kayabangan sa yo. Kahit na may itsura ka, humble ka pa rin. Di ka feeling gwapo."

"Eh di naman talaga ako guwapo eh" sabat ko

"Guwapo ka. Nagpapaguwapo lalo sa yo ang ugali mo." pagtutuloy ni Beth. "Kung... siguro ang swerte ko pag naging boyfriend kita... kung"

"Mas masuwerte ako kung papayag ka na maging girlfriend ko. Mahal kita Beth" walang kagatol-gatol kong sabi

"Ako rin... I think I'm in love with you. Pero.." sabi ni Beth

"Yun naman pala. Bakit may pero pa?" tanong ko

"Basta Jun. Di pwedeng maging tayo. Ayaw kong masaktan ka."

"Pero Beth..."

"Mabuti pa siguro umuwi ka na. Gusto ko ng magpahinga" mahinang sambit ni Beth

"Beth..."

"Please Jun... please..."

"Si... sige... mauna na ako..." malungkot kong paalam.

Pagkauwi ko sa amin, noon lang pumasok lahat ang mga pangyayari. Di ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Lungkot... sama ng loob... parang gustong sumabog ng dibdib ko. Di ko namalayang pumapatak na ang luha ko. Naiyak ako. Pumasok ako sa kwarto at nahiga na. Paikot-ikot ako sa kama. Di makatulog.

"Galit ba sa akin si Beth?" tanong ko sa sarili. "Bakit kasi nagambisyon pa akong ligawan sya?"

Matagal bago ako nakatulog. Lumipas ang mga araw, di ako nagpakita kay Beth. Sadyang iniiwasan kong makasalubong ko sya. Dala siguro ng hiya na aking nararamdaman. Pati na rin siguro ng sama ng loob na aking dinadala. Isang sabado, habang nanonood ng tv sa sala, may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan ang pintuan.

"Hello" bungad ni Beth

"H.. hi..." sagot ko

"Mmmmm busy ka ba?" tanong nya sa akin

"Ha? Ahhh ehhh hin.. hindi..."

"Ah ok... pwede ba tayong magusap?" tanong nya

"Ahh... ehhh.... oo, oo" di ako makatingin kay Beth

"Ah, dito ba tayo sa pintuan maguusap?" pabirong tanong ni Beth

"Ay... sorry... sorry... pasok ka..." sabi ko.

Pinaupo ko si Beth sa sofa. Umupo ako sa hiwalay na upuan.

"Mmmmm... galit ka ba sa akin?" tanong ni Beth

"Ha... eh... hindi... bakit naman ako magagalit?" sagot ko

"Bakit di ka makatingin sa akin aber?" tanong nya. "Tsaka bakit mo ako iniiwasan? Tagal mong di nagpakita. Di mo man lang ako tinatawagan."

"Sorry..." sambit ko habang nagkakamot ng ulo. "Defense mechanism siguro"

"Bakit?" tanong nya.

"Kasi... kasi... ewan ko... mula nung gabing yun parang... parang ang lungkot-lungkot ko. Parang masakit ang dito ko" sabay turo sa aking dibdib

"Jun..." mahinang sambit ni Beth. "Sorry kung nasaktan ka. Sinabi ko lahat ng yun para di ka nga masaktan. Pero nasaktan pa rin pala kita. Sorry." pagpapaumanhin ni Beth

"Wala yun... hayaan mo na... magiging ok din ako" pagkukunwari ko

"Masaya ako..." sabi ni Beth

"Dahil nasasaktan ako?" sabat ko

"Oist... di ako ganun ha. Di ako sadista." sabi nya. "Masaya ako dahil sa mga sinabi mo sa akin nung gabing yun. Marami ng nag-i love you sa akin pero nung ikaw ang magsabi... parang... parang... yung... parang tutoo. Parang galing talaga sa puso."

"Eh tutoo naman talaga" sabi ko

"Alam ko. Tingin ko naman di ka magsisinungaling sa akin eh." nakangiting sagot ni Beth. "Salamat"

"Salamat? Para san?" tanong ko

"Sa pag-care mo sa akin... sa pag-love mo sa akin." sagot ni Beth.

"Wala yun..." kunwari'y pagwalang bahala ko

"Seryoso Jun. Salamat. Meron pa palang mga lalaking nagmamahal talaga."

"Bakit? Marami bang hindi?" pamimilosopo ko

"Marami Jun. Halos lahat ng lalaki puro ulo sa baba ang nagiisip. Di ang sa taas."

"Tingin ko mali ka. Mas marami naman siguro ang mga lalaking mababait Beth"

"Di Jun. Bihira ang mga katulad mo. Kaya nga... masaya ako... naisip ko ang swerte ko at nandyan ka na mahal ako." nangingilid-luhang sagot ni Beth

"O bakit... bakit ka umiiyak?" nagaalalang-tanong ko

Lumapit ako kay Beth. Tinabihan ko sya sa sofa.

"Yan tuloy... naiiyak ako" sabi ni Beth. "Di naman ako madrama talaga eh"

"Eh bakit ka kasi umiiyak? Naguusap lang naman tayo" pagbibiro ko

"Tse! Wala lang" buwelta ni Beth

"Ang cute mo pala lalo pag umiiyak ka" biro ko

"Ah ganun? Gusto mong umiiyak ako?" tanong ni Beth

Nagseryoso ako.

"Hindi. Gusto ko lagi kang masaya. Gusto ko lagi kang nakangiti. Ayaw na ayaw kong malungkot ka."

"Masaya naman ako eh" sabi ni Beth. "Masaya ako dahil nandyan ka lagi para sa akin. Mas masaya nga lang siguro kung pwede lang na... kung pwede nga lang..."

Nakuha ko ang gusto nyang sabihin.

"Pwede naman Beth. Ikaw lang ang may ayaw. Wala namang nagbago eh. Mahal pa rin kita."

"Pero Jun. Di mo kasi maintindihan. Di nga ako karapatdapat sa yo."

"Bakit ba? Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko

"Jun... ma... mar... marumi ako" mahinang sambit ni Beth

"Ha? Yun lang ba? Eh di maligo ka." sagot ko

"Sira ka talaga. Seryoso nga ako tapos magpapatawa ka pa. Mali ka sa timing." ani Beth

"Eh ano nga bang pinagsasabi mo?" ulit ko

"Jun... di na ako virgin."

"So? Eh ano ngayon? Di naman importante sa akin yun?" sagot ko

"Di mo naiintindihan Jun."

"Eh di ipaintindi mo sa akin Beth"

"Di na ako virgin... marami na... marami ng mga lalaki..." di matuloy-tuloy na sagot ni Beth

"Di naman mahalaga yun eh. Mahal pa rin kita Beth."

"Jun... kung maibabalik ko lang... sana... sana"

"Shhh... di naman importante nga eh"

"Anong mafi-feel mo pag kunwari naging tayo tapos may marinig ka na pokpok ang girlfriend mo?" naluluhang sambit ni Beth

"Di naman tutoo eh. Di ako papaapekto." sagot ko

"Nasasabi mo lang yan Jun. Iba pag nandun ka na at nasabihan ka ng ganun."

"Shhh... tama na... tama na... mahal kita... yun ang importante" sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ni Beth sa kanyang pisngi.

"Ayaw kong masaktan ka Jun. Gusto ko maging karapatdapat ako sa yo. Pero imposible na yun"

"Bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Beth, maganda ka. Matalino. Mabait."

"Pokpok ako Jun."

"Wag mo ngang sabihin yan Beth. Di ka ganun."

Tahimik lang si Beth. Tuloy pa rin ang patak ng mga luha nya. Niyakap ko sya. Dun na sya humagulgol talaga.

"Jun... I'm so sorry... I'm so sorry..."

"Shhh... tahan na... tahan na..." mahinang sabi ko

"Sana naging good girl ako... sana..." habang umiiyak na sabi ni Beth

"Tama na Beth... wag mong ibaba ang sarili mo."

Natahimik kaming dalawa. Nakayakap pa rin ako kay Beth. Unti-unti na syang tumahan. Humarap sa sa kin. Hinawakan ang akin mukha.

"Promise mo sa akin. Kung magkaka-girlfriend ka, piliin mo yung mabait ha" maamong pakiusap nya sa akin

"Beth, ikaw ang gusto ko."

"Shhhh... pakinggan mo ako... nandito lang ako... lagi... para sa yo..." sabat ni Beth "Basta, ipangako mo... ang pipiliin mo ay karapatdapat sa yo"

Tumingin ako sa mga mata ni Beth. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Gusto kong maalis sa mga mata nya ang lungkot pero di ko alam paano. Pilit nyang ngumiti pero di ito matatago ang lungkot na kanyang nararamdaman. Parang wala akong silbi. Eto ang babaeng mahal ko pero di ko sya mapasaya. Di ko maalis ang sakit na kanyang nadarama.

"Beth... pagbigyan mo lang ako... magiging maayos ang lahat"

"Di Jun. Di. Mahal kita. Mahal na mahal. Kaya di pwedeng maging tayo. Ayaw ko na darating ang araw pagsisihan mo na naging tayo. Ayaw ko na makikilala mo ang tunay kong pagkatao. Tama na kilala mo ako kung sino ako ngayon." malungkot na pakiusap ni Beth. "Ayaw kong magbago ang magandang pagtingin mo sa akin."

"Di magbabago ang tingin ko o ang nararamdaman ko Beth"

Ngumiti lamang si Beth. Lumapit sya sa akin habang hawak pa rin ang aking mukha. Nilapit nya ang kanyang mukha sa akin. Hinalikan nya ako sa noo. Hinalikan nya ako sa pisngi. Hinalikan nya ako sa labi.

"Swerte ang magiging girlfriend mo Jun."

Hinalikan nya ulit ako sa labi. Pagkatapos nun, niyakap ko sya ng mahigpit. Naluluha rin ako. Di ko alam pero parang nagpapaalam na si Beth sa akin. Parang talagang desidido na sya na di magiging kami. Di ko matanggap. Mahal na mahal ko si Beth. Ang mga pinakamasayang araw na naranasan ko ay yung mga araw na kasama ko sya. Pumatak ang luha ko. Pumatak sa kanyang pisngi.

Tinignan ako ni Beth.

"Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak" may halong pagbibiro ni Beth

"Wala... wala lang..." habang pinupunasan ko ang mga luha ko

Ngumiti si Beth. Hinalikan nya ako sa pisngi. Pagkatapos tumayo sya. Kinuha nya ang aking kamay at marahang hinilang tumayo. Wala kami parehong kibo. Naglakad sya. Hawak pa rin ang aking kamay. Sumunod lang ako sa kanya. Dumiretso sya sa kwarto ko. Sunod pa rin ako. Pagkapasok, sinara ni Beth ang pintuan at ni-lock. Di pa rin kami nagsasalita. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Dahan-dahang lumapit si Beth sa akin. Hinalikan nya ako sa labi. Hinalikan ko rin sya. Marahan. Waring ninanamnam ang tamis ng kanyang mga labi.


Itutuloy...

Tulungan nyo pong manatiling libre ang e-pantasya.blogspot.com. Magclick lamang po sa kahit anong sponsor ad. Salamat po!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...