Wednesday, March 4, 2015

Apartment - Part 14: Araw ng Pagtutuos

Araw ng Pagtutuos Matapos kong maihatid sa terminal ng bus si Anne ay
bumalik na rin ako kaagad sa aming apartment. Habang nasa tricycle ako
ay sinariwa ko naman ang ilang araw naming pagsasamang muli ni Anne,
dahil din kasi sa kanya, bukod sa kantutan namin ay naka-iskor akong
muli sa GF ni pareng Estong na si ate Mika. Pero ang isang kinababahala
ko ay ang sitwasyon kanina lamang, tiyak na away na naman ang dalawa.
Pagbaba ko ng tricycle ay dumaan na muna ako sa kalapit na karinderya
upang bumili ng hapunan. Paakyat na ako sa aming building at tiyempo
namang naabutan ko si Ice na paakyat rin. "ate Ice!" bati ko sa kanya.



"hi." tipid niyang sagot, lumingon siya pero dumiretso pa rin sa
pag-akyat. "ate may problema ba?" pangungulit ko pa sa kanya. "wala.
wala lang ako sa mood" sagot niyang muli. Hindi na ako muling
nakapagtanong pa sa kanya. Halos bumilis din kasi ang lakad nya at
tuluyang pumasok sa
kanilang unit. Ako naman ay tumuloy na rin sa amin at naghanda nang
kumain. Naalala ko si pareng Estong, kinatok ko siya ngunit walang
sumasagot sa loob ng kwarto niya. Hindi ko na ipinilit baka tulog lang
siya at tumungo na ako sa mesa upang kumain. Habang ako'y naghahapunan
ay nagmuni-muni rin ako. Siguro'y matatagalan pa bago makabalik muli si
Anne dito sa Manila, wala naman kasi siyang trabaho, puro sideline. Ano
na kaya nangyari kila Estong at Mika? Galit kaya sa akin si Ice? Iba't
iba ang aking naisip. Kaya naman matapos kong hugasan ang pinagkainan ko
ay kinuha ko ang aking kaha ng sigarilyo at lumabas sa balkonahe. "pwede
po ba maki-join?" paalam ko kay Clariza na nauna na sa aming pwesto.
Hindi siya nagsalita, lumihis lamang ng pwesto at malayo ang kanyang
tingin. "baka naman malaglag ka sa lalim ng iniisip mo ate?" biro ko pa.
Wala pa rin siyang reaksyon. Para akong baliw na nagsasalitang mag-isa.
Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon, ang mang-amo ng babae, lalo na't
hindi ko naman siya syota. Mabilis kong inubos ang aking yosi at
tumalikod na. Nagdesisyon akong bumaba upang bumili ng isang bote ng
beer, pampatulog lang. Pagtalikod ko ay nag side glance ako, napansin ko
ring humabol ng tingin si Ice pero wala, hindi nya ako pinigilan. "ate
isang redhorse nga yung ice cold" wika ko sa tindera. "bakit isa lang?"
sabat ng isang babae. Si Diane pala ito, hindi ko napansin kaagad ang
dalaga dahil ang isip ko ay naiwan siguro sa balkonahe sa taas. "uy
Diane! bakit gusto mo ba?" alok ko naman. "uhm, may pasok bukas e, next
time nalang" sagot naman niya. Sabay kaming umakyat. Nabanggit ko ang
ate Ice niya, tinanong ko kung anong problema nun dahil nga hindi
namamansin. Sinabi nyang hindi rin naman sinasabi sa kanya, nagdadabog
pa nga daw minsan isang gabing magkasama sila. Kahit na ayokong gawin ay
naibilin ko kay Diane na kausapin si Ice, na gusto ko kakong makipagusap
ng maayos. "sige na Diane, pakisabi ha?" bilin ko pa bago kami pumasok
sa aming unit. Pagtataka ko ay bakit di parin lumalabas sa kwarto itong
si Estong. Baka nag suicide na! Ito ang naisip ko. Kinatok ko siyang
muli, mas malakas. Wala talaga. Tinawagan ko ang kanyang CP, nag ring at
walang sumasagot. Maya maya ay nag text siya, "d2 me kila Mika, bkt?"
text niya. Nakahinga ako ng maluwag, ang akala ko kasi ay nagpakamatay
na siya. Natawa na lang ako sa mga naisip ko. Binuksan ko ang aking
beer, umupo sa sofa at nagrelax. Ilang saglit pa ay may kumatok sa
pintuan. "Bogs?" tawag ng babae sa labas. Kaagad kong binuksan at
tumambad sa aking harapan si Ice. "hi ate, tuloy ka" wika ko naman. Bago
pa man ako makapagsalitang muli ay nagtatalak na itong si Clariza.
"...at ginamit mo pa itong si Diane para kausapin ako??" sigaw pa nito.
Wala akong nasabi, halos wala din akong naintindihan sa mga sigaw niya.
Lalo akong naguluhan sa mga inasal ni Ice. Hindi ko alam ang kanyang
motibo. Tumungga ako sa bote na aking hawak. "ate pwede huminahon ka?"
hiling ko sa kanya.
"ano ba problema ate? bakit galit ka sakin?" tanong ko sa kanya nang
ako'y makasingit sa kanyang pagbubunganga. Ibang klase palang magalit
itong babaeng ito parang armalite ang bibig. "i hate you!" wika niyang
muli. "hala? bakit hate mo ako? ano ba ginawa ko ate?" pagtataka ko.
Luminga-linga sya, tila may hinahanap. "si Estong??" tanong niya. "wala
nandun kila Mika" sagot ko. "e yung babae mo??" tanong niyang muli.
"umuwi na ate bakit ba?" sagot ko naman din. Tumaas ang isang kilay ng
dalaga. Parang pinipigil nya ang kanyang ngiti na parang galit pa rin.
"aha! alam ko na! nagseselos ang ate kong maganda! hahaha" bulalas ko at
tila nainis pang lalo ang dalaga. Halos hindi maipinta ang mukha ni
Clariza that moment. Ako naman ay tawa lang ng tawa. Humalukipkip siya
at dahil dito'y bumilog ang kanyang mga dede na siya namang napansin ko
agad. "bwisit! hmp!" sabay kurot sa akin ni Clariza, tumalikod at
lumabas ng aming unit. Hindi ko na hinabol ang dalaga, alam kong ok na
kami. Kung galit kasi siya ay sampal ang aabutin ko, pero ang kurot niya
ay yung kurot na lagi niyang ginagawa lalo na pagnahuli niya akong
minamanyak ko siya. "bye ganda!" pahabol ko pa kay Ice bago isara ang
pintuan. Nakangiti akong umupong muli at inubos ang aking beer. Lumipas
ang kalahating oras ay dumating na si Estong. Mahaba ang mukha at tila
may dinadalang problema pa rin. "pare ok ka lang?" tanong ko sa kanya.
"well, hindi pare e, alam mo naman" sagot niya. "wala na bang beer?"
dugtong pa niya. Sinabi kong pwede niyang i-share ang problema niya at
baka matulungan ko siya. "parang malabo na kami ni Mika pare" wika ni
Estong. Hindi na niya sinabi ang mga detalye, hindi ko rin naman na
inusisa. Ang alam ko talagang problema nila ay ang sekswal na
pangangailangan nitong si ate Mika na ubod ng libog. Pero paano ito,
kung malabo na sila, mukhang malabo na ring bumalik pa rito si Mika.
Sayang naman sabi ko sa aking sarili. Hindi rin naman na binanggit sa
akin ni pareng Estong ang problema niya sa kanyang t*t*. Nakakahiya nga
naman iyon. Pero ang pinagtataka ko ay bakit si Anne noong kinantot niya
ay wala namang nasabi ukol doon? Tumayo na si Estong at nagtungo na sa
kanyang kwarto. Itutulog na lang daw niya ang problema. Ako naman ay nag
ayos na rin ng sarili at nagpahinga na. Habang nakahiga ako ay naisipan
kong itext itong kapitbahay ko. Bogs: "hi ate ganda..2log kna b?" Ice:
"tse!" Bogs: "hehe galit k p b ate ganda?" Ice: "kainis ka Bogs!" Bogs:
"sori n kc ate ganda.." Ice: "2log kna! my pasok p bkas!" Bogs: "gudnyt
ate ganda, mwah!" Ice: "mwah ka jan! hmp!" Bogs: "gus2 mo totoo??"
Ice: "d m nmn kya! tse!" Hindi na ako nagreply, nagtungo ako kaagad sa
unit nila at kumatok. Nakahubad lang ako at naka boxers. Si Diane ang
nagbukas ng pintuan. "o kuya Bogs bakit?" wika ni Diane na napansin kong
nakatingin sa aking ari na nakabukol sa boxer shorts ko. "si Ice?"
pabulong kong tanong. Tinuro naman nya at di na nagsalita, nasa kwarto
daw nila. Sumakay si Diane sa plano ko. Pumasok akong dahan dahan.
Naabutan kong nakatitig si Ice sa CP niya. Nilakasan ko na ang aking

loob, sinungaban ko siya at hinalikan. Walang nagawa si Ice, hindi naman
siya lumaban. This time ay hindi sa pisngi ang aking halik, sa mga labi
niya. Ang bango pala ng hininga ni Ice, kahit na yosi girl ay alaga ito
sa mouthwash. "uhmmmp..." ungol niya. "Bogs!! ano ba??" sabay tulak nya
sa akin. Dito ko napansin na manipis pala ang suot niyang damit at wala
siyang suot na bra. Bakat ang brownish nipples niya na medyo tayo na
dahil sa halikan siguro. "wala lang, goodnight ate ganda! ayan ha di na
text yan" biro ko pa. Namula si Clariza, hindi malaman ang gagawing
reaksyon. "uhm, o sige matulog kana Bogs, goodnight.." wika niya na
malumanay. Ang mataray at taratitat na Ice kanina ay parang maria clara
na ngayon. Ngumiti na lamang ako, nagpaalam at alam kong ayos na ayos na
kami ni Ice. Nagkumot pa siya bago ako umalis na parang kinikilig. "o
ayos na? hihi" bati naman ni Diane paglabas ko ng kwarto nila. Nakatitig
pa rin sa aking ari ang dalagang pinsan ni Ice. Pilyang bata ito sabi ko
sa sarili ko.

Itutuloy...


Tulungan nyo kaming manatiling libre. Magclick lamang po sa kahit anong sponsor ad.
    Salamat po!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...