Wednesday, March 4, 2015

Apartment - Part 16: Goodnight

Nakashorts lamang akong lumabas upang puntahan si Ice sa aming smoking
area. Nakahubad talaga akong natutulog dahil di naman kami naka-aircon
at sadyang mainit ang panahon. Magyoyosi lang naman sabi ko pa. "hi ate,
kala ko ba goodnight na?" tanong ko nang magkita na kami sa balkonahe.
"uhm, di kasi ako makatulog" wika naman ni Ice. "salamat Bogs ha?"
dugtong pa niya. "salamat saan?" pagtataka ko at nagsindi na kami ng
sigarilyo. "sa pagiging mabait mo sa akin, isang text lang nandito kana
agad" sagot naman niya.



Natuwa naman ako sa turing ni Ice, na-appreciate
pala niya ang aking kabaitan sa kanya. Nagkwentuhan kami at dahil sa
pagkakaroon ko ng "respeto" kay Clariza ay hindi ko agad napansin ang
kanyang suot. Hindi naman ito bastusin, pero kapag tititigan mo ang
damit niyang t-shirt na puti na manipis ay maaaninag ang kanyang
nipples. Dahil dito ay napansin niyang napapatingin ako. "huy ano ka ba
Bogs! ang manyak mo talaga!" sabay kurot na naman sa akin ni Ice sa
aking tagiliran. "ate, honestly sino ba naman ang hindi mapapatingin sa
suot mo, ayan o bakat yan, bakit naman kasi ganyan suot mo" paliwanag
ko. Medyo natahimik si Ice sa sinabi ko. Narealize nya na bakat nga
talaga ang utang niya. Hindi naman niya ito tinakpan pero hindi naman
niya ito binuyangyang. "you got a point Bogs, sorry for labeling you
manyak.hihi. Comfortable naman kasi ako sayo Bogs, alam kong di mo ako
babastusin" wika niya. "well, sana wag ganyan, pano nalang kung may
ibang tao?" paalala ko naman sa kanya.
"e ikaw lang naman e kaya ayos lang, hihi" biro pa niya. "so pwede kong
titigan??" biro ko naman. Halos matanggal na ang aking balat sa
tagiliran ko kakakurot niya. "ikaaaw talagaaaaaa! uhmmm!" bulalas ni
Ice. Nagkatitigan kami. Kita ko sa mata ni Ice na panatag na siya sa
aking piling. "Bogs, pwede wag mo na ko tawaging ate?" wika niya habang
hindi pa rin nagkakalas ang aming tinginan. "bakit naman? e mas matanda
ka sa akin" sagot ko naman. "kasi awkward naman kung ate ang tawag mo sa
akin lalo na sa public, baka sabihin nila inaabuso kita haha" sagot
niya. Hindi ko alam ang ibig niyang ipahiwatig. "sige pero pag tayo lang
pwedeng ate parin tawag ko sayo?" tanong ko pa. "maiba ako, sabi mo may
BF ka? bakit di ko yata nakikita?" tanong ko sa kanya. Hindi siya agad
sumagot. Hindi ko rin naman siya kinulit, baka magalit pa sa akin.
Natapos ang aming yosi session. Ako na ang nagyaya dahil dinapuan na rin
ako ng antok. "ate tara na?" wika ko. "tara saan?" sagot niya. Parang
ayaw pa niyang umalis o pumasok na sa unit nila. Parang may gusto pa
siyang iparating ngunit pinipigil niya. "uhm Bogs, paano ka ba
manligaw?" wika niya nang ako'y aalis na sana. "ha? eh, wala, matagal na
akong di nanliligaw e, bakit mo naitanong?" sagot ko. "wala naman, ang
manhid mo kasi" sabay alis at nagyaya na siyang matulog na. Naguluhan
ako sa mga sinabi ni Ice. Manhid daw ako. Huli ko itong narinig at
sinabi sa akin e noong first year college pa lang ako. Sinabi ito sa
akin ng isang classmate ko na di naman kagandahan pero type daw ako.
"Ice wait" wika ko bago niya mabuksan ang pintuan nila. "o why?" sagot
niya na medyo mataray. "gusto kita Ice, gusto kita miss Clariza" ito ang
lumabas sa aking bibig na hindi ko napigilan o hindi ko alam kung bakit
ko nasabi. "oh really? haha tulog mo na yan Bogs" sagot naman niya. Tila
parang naging challenge pa sa akin ang isinagot niyang iyon. Kaya ang
aking sumunod na ginawa ay ang hawakan ang kanyang kamay. Inilapit ko
ang aking mukha sa kanya at hindi naman siya tumanggi. Tila hinihintay
niya ang aking gagawin. "goodnight ate" saka ko siya hinalikan muli. Sa
labi. "ikaw Bogart, nakakarami kana. Ikaw pa lang ang nakakahalik sa
akin na hindi ko BF!" wika niya pero hawak ko pa rin ang kanyang kamay.
Malamig ang kamay ni Ice. "ate pwede ba kitang ligawan?" wika ko. Sunod
sunod na ang mga sinabi ko na hindi ko inaasahan.
"are you serious??" pagtataka niya. "ligaw ligaw e nakaka halik kana,
hmp!" kinurot na naman ako. "e ikaw nga, halos lapnos na yang balat ko
kakakurot mo" balik ko naman. "ay sorry hihi" sabay himas niya sa aking
beywang. "so pwede ba?" tanong ko muli. "ano bang pwede?? manligaw? e
nakakahalik kana nga..manhid ka talaga Bogs! ewan ko sayo" sagot niya.
Binitiwan na nya ang aking kamay mula sa pagkakahawak sa kanya.
Isasarado na niya ang kanilang pintuan at pinigilan ko ito. "ate" wika
ko. "oh?" sagot niya. "pa kiss nga ulit" hindi na siya nakasagot at
hinalikan ko siyang muli sa kanyang mga labi. Napaungol si Ice. Kakaiba
ang reaksyon niya kesa noong unang mga nakaw kong halik sa kanya.
"uhmmmmm..." ungol ni Clariza. Hinawakan ko ang kanyang batok. Mas
mahaba ang halik ko ngayon, hindi na ito nakaw. Kung dati ay nakatikom
ang kanyang bibig, ngayon ay binuksan na niya ito at unti-unting
inilabas ang dila. Kahit na kakatapos lang namin mag yosi ay talagang
mabango ang hininga ni Ice, parang may gatas. Halos magkayakap na kami
sa harap ng kanilang pintuan habang naghahalikan. Nakalapat ngayon ang
aking katawan sa kanya. Unti-unting tumigas ang aking ari, at alam kong
tumutumbok ito sa harapan niya. "Bogs..." wika niya at nagkalas kami sa
maka-ubos hiningang halikan. "te?" sagot ko. "pigilan mo yan, let's do

this the normal way" sagot niya. Ang tinutukoy niya ay ang matigas kong
ari na tumutumbok sa kanyang puson. "so tayo na ate? tayo na ba?" tanong
ko kay Clariza. Ngumiti lamang si Ice. Hinawakan ang magkabilang pisngi
ko ng kanyang malambot na palad. Idinikit ang kanyang ilong sa akin.
Hinihintay ko pa rin ang kanyang isasagot kung "kami" na nga talaga.
Muling naglapat ang aming mga labi. Siya ngayon ang nag-initiate ng
halikan. Ilang saglit lang ay kumalas naman siya kaagad. "see you
tommorow Bogs...Goodnight" at tuluyang pumasok na si Ice sa kanilang
unit. Natulala ako, marahil ang halik niyang iyon ang sagot sa aking
tanong. Hindi man niya sinabi ay naintindihan ko ang gusto niyang
ipahiwatig. Sinampal ko pa ang aking sarili, baka kako nananaginip lang
ako. Totoo nga, hindi na tipikal na "kaibigan" ang relasyon namin ni
Ice. Hindi ko lubos maisip na magiging kami. Pumasok na rin ako sa aming
unit at dumiretso sa aking higaan. Kinuha ko ang aking CP at tinext ko
pa si Ice. "gudnyt ate, mwah!" masaya kong text. Kaagad naman siyang
nagreply, "nyt nyt din beh, sleep kna ok?" halos di ko maintindihan ang
galak sa aking sarili sa pagka-kilig. Iba na rin ang tawag niya sa akin.
Iba na ito, hindi na ito ang dating Bogs. Ano kaya ang sasabihin ni
Estong kapag nalaman niya ang sitwasyon namin? Nakatulog akong nakangiti
sa tingin ko. Maaga rin akong nagising. Ako na ang nagluto ng aming
agahan. Tinext ko naman si Ice upang magkita sana muna kami bago sila
pumasok ni Diane. "pasok n kmi beh" text ni Ice at lumabas naman ako agad.
"good morning ladies, good morning Ice" bati ko sa kanila. "ingat ka ha?
kita tayo mamaya ha?" dugtong ko pa, at syempre, may goodbye kiss sa
pisngi niyang malambot. Napangiti naman itong pinsan niyang si Diane sa
mga inasal namin noong umagang iyon. Hindi kami pwedeng magsabay pumasok
dahil magkaiba ang way ng aming pinagtatrabahuhan. Hindi ko rin naman
siya pwedeng sunduin sa uwian dahil mas maaga silang umuuwi. Kaya't ang
naging set up namin ay tuwing umaga bago siya pumasok ay dadaan muna sa
akin, tapos sa gabi ay sabay kami kumakain, at kwentuhan hanggang gabi
sa balkonahe. Hindi naman kaagad nalaman ni Estong ang aming relasyon.
Akala niya ay dati parin na kaibigan lamang. Kaya't nang magyaya na si
Estong ng inuman, ay malakas na ang aking loob. Alam kong may bakod na
si Ice at hindi na siya magpapabola kay Estong. Biyernes ng gabi ang
napagkasunduan naming araw na maginuman.

Itutuloy...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...